Malapit na naman kaarawan ko, mga 8 buwan simula ngayon. madadagdagan na naman ang edad, tatanda na naman ang buhay pero sa tanda kung ito ngayon ko lang napansin mga daliri sa paa ko.
Habang naglalakad sa pasilyo papuntang kwarto nag-iisip ako kung anu gagawin ko, bigla napayuko ako dahil may kung anu na tumusok sa talampakan ko. nang tignan ko kung anu iyon, napansin ko mga daliri ng paa ko.Katamtaman na laki di masyadong mahaba kasi di naman ako galing sa angkan ng basketbolesta, malinis naman ang kuko medyo may kalyo pero di naman ganun kakapal. sa kung saan may biglang kumislot na mga tanong sa isip ko, ano ba ang silbi ng daliri sa paa? bakit sa bawat hakbang na gagawin lagi silang kasama? di ba pwedeng talampakan lang at wala na sila? may mararating ba ang paa ko kung wala mga daliring ito? Mga tanong na di mawari ang kasagutan pero nang makarating ako sa aking higaan at akmang ilalapat ang aking katawan, sumagi sa isip ko ang pamilya ko. Bigla nakaramdam ako ng pangungulila, matagal-tagal na rin kasi na di ko sila nakikita dahil sa trabaho na nagkataong dito sa ibang bansa. habang nakapatong ang paa ko sa unan at tinititigan ko ang daliri nito, naisip ko para palang mga kapatid ko ito. lima kasi kami na magkakapatid, ako yung paa bilang kabuuan yung sumunod sa akin ay babae siya yung sa hinlalaki, yung pangatlo ay babae ulit siya yung hintuturo, ikaapat ay lalaki siya yung gitna at yung bunso na babae ulit siya yung palasingsingan at pinaka bunso ay yung pamangkin ko na anak ng pangatlo kong kapatid na mas nauna pa sa akin mag asawa ay yung hinliliit.Napangiti ako at bigla parang kinurot ang puso ko ng maisip ko na sila nga pala ang dahilan kung bakit ako nandito, sila ang nagsisilbing inspirasyon ko, sila ang nagsisilibing direksyong sa buhay ko. Mahal ko mga kapatid ko, sino ba naman ang hindi, madalas lagi ko sinasabi sa iba buhay ko mga kapatid ko kung wala sila wala din ako dito sa kinalalagyan ko ngayon. Sila ang kasama ko sa bawat laban sa buhay na dapat lampasan.
Sa puntong yun na parang may likidong gustong dumaloy sa mga mata ko, akoy naliwanagan. Mula doon aking nahugot ang kasagutan sa mga tanong tungkol sa mga daliri sa paa ko na naglaro sa aking isipan. Ang mga kapatid ko ang siyang halintulad sa mga daliri ng paa ko. Sila ang nagsisilbing deriksyon, sila ang aking gasolina para makausad sa hamon ng buhay at sila ang dahilan kung bakit kailangan magsumikap. Gaya ng mga daliri sa paa, sila ang nagbibigay balanse upang ako'y manatiling nakatayo at patuloy na humahakbang patungo sa pangarap na nais makamtan. Gaya ng mga daliri sa paa, sila ang laging kasama sa bawat galaw na aking gagawin dahil kung wla sila, wala rin akong nanaisin na marating. Mga Kapatid ko ang nagsisilbing daliri sa paa ko. ikaw anu silbi ng sa iyo?

0 Comments to "Mga Daliri Sa Paa."