Mga Daliri Sa Paa.

Malapit na naman kaarawan ko, mga 8 buwan simula ngayon. madadagdagan na naman ang edad, tatanda na naman ang buhay pero sa tanda kung ito ngayon ko lang napansin mga daliri sa paa ko.

Habang naglalakad sa pasilyo papuntang kwarto nag-iisip ako kung anu gagawin ko, bigla napayuko ako dahil may kung anu na tumusok sa talampakan ko. nang tignan ko kung anu iyon, napansin ko mga daliri ng paa ko.Katamtaman na laki di masyadong mahaba kasi di naman ako galing sa angkan ng basketbolesta, malinis naman ang kuko medyo may kalyo pero di naman ganun kakapal. sa kung saan may biglang kumislot na mga tanong sa isip ko, ano ba ang silbi ng daliri sa paa? bakit sa bawat hakbang na gagawin lagi silang kasama? di ba pwedeng talampakan lang at wala na sila? may mararating ba ang paa ko kung wala mga daliring ito? Mga tanong na di mawari ang kasagutan pero nang makarating ako sa aking higaan at akmang ilalapat ang aking katawan, sumagi sa isip ko ang pamilya ko. Bigla nakaramdam ako ng pangungulila, matagal-tagal na rin kasi na di ko sila nakikita dahil sa trabaho na nagkataong dito sa ibang bansa. habang nakapatong ang paa ko sa unan at tinititigan ko ang daliri nito, naisip ko para palang mga kapatid ko ito. lima kasi kami na magkakapatid, ako yung paa bilang kabuuan yung sumunod sa akin ay babae siya yung sa hinlalaki, yung pangatlo ay babae ulit siya yung hintuturo, ikaapat ay lalaki siya yung gitna at yung bunso na babae ulit siya yung palasingsingan at pinaka bunso ay yung pamangkin ko na anak ng pangatlo kong kapatid na mas nauna pa sa akin mag asawa ay yung hinliliit.Napangiti ako at bigla parang kinurot ang puso ko ng maisip ko na sila nga pala ang dahilan kung bakit ako nandito, sila ang nagsisilbing inspirasyon ko, sila ang nagsisilibing direksyong sa buhay ko. Mahal ko mga kapatid ko, sino ba naman ang hindi, madalas lagi ko sinasabi sa iba buhay ko mga kapatid ko kung wala sila wala din ako dito sa kinalalagyan ko ngayon. Sila ang kasama ko sa bawat laban sa buhay na dapat lampasan.

Sa puntong yun na parang may likidong gustong dumaloy sa mga mata ko, akoy naliwanagan. Mula doon aking nahugot ang kasagutan sa mga tanong tungkol sa mga daliri sa paa ko na naglaro sa aking isipan. Ang mga kapatid ko ang siyang halintulad sa mga daliri ng paa ko. Sila ang nagsisilbing deriksyon, sila ang aking gasolina para makausad sa hamon ng buhay at sila ang dahilan kung bakit kailangan magsumikap. Gaya ng mga daliri sa paa, sila ang nagbibigay balanse upang ako'y manatiling nakatayo at patuloy na humahakbang patungo sa pangarap na nais makamtan. Gaya ng mga daliri sa paa, sila ang laging kasama sa bawat galaw na aking gagawin dahil kung wla sila, wala rin akong nanaisin na marating. Mga Kapatid ko ang nagsisilbing daliri sa paa ko. ikaw anu silbi ng sa iyo?

Tuesday, April 20, 2010 at 3:59 AM , 0 Comments

Mag Ingat Sa Byahe Ng Buhay

Saan man sa mundo, habang nagmamaneho ka, makikita mo ang kaliwa't kanang mga signs o babala e.g "Bawal tumawid nakakamatay", "UTurn ahead, slow down" "Slippery when wet","No over taking beyond this lane" atbp.

Masarap isipin na ang mga signs na ito ay nagpapkita ng pagmamalasakit sayo at sa iba, pero kadalasan banabaliwala ito kaya aksidente ang madalas na dulot sa tao, swerte ka kung buhay ka malas kung patay ka wika nila. ganyan din sa buhay, sa paghawak mo sa manibela ng kapalaran at pag apak sa aksilyador ng kagustuhan ibayong pag iingat ang kailangan. wag magmamadali sa byahe papuntang kasaganahan baka ikaw ay magkamali at sa lugar ng kabiguan ikaw ay masiraan.

Walang spare parts ang oras na masasayang kaya sa byahe ng buhay papuntang kasaganahan, dapat dahan-dahan lang.

Saturday, April 10, 2010 at 5:46 AM , 0 Comments

Fortunate To Be Complete...

Hey...yes you who's reading this...Feeling sad or problematic?did anybody hurt you physically or emotionally? wanted to give up and fuck this life? well, stop right there. take a deep breath and think... isn't worthy to give up? isn't right to escape and just go along with the flow or even fast track things so that it will just end right there? after thinking that consider this, aren't you lucky to have two eyes to see the truth? two ears to hear whats happening at your back? two hands to carry and hold on to the things you have? or even a feet that can stand and move on to life? hey, look at those people that stays on the street, begging, crying' for help...see them everyday, yeah? but do you see them fighting for their right to live a life? do you see them search for their means to fill their emptiness? do you see them crawl just to cross over to a new day to start over again? think, your still fortunate to have a life more than them, never lose hope, do it one more time, who knows tomorrow you'll find that smile on your face that you once lost and you will say "I'm fortunate to be complete.

Tuesday, April 6, 2010 at 8:44 PM , 0 Comments